Souls bump against souls
in lonely sojourn.
Fright crosses, ego crushes
leaving the night holed, cold.
Life’s a crossroad -
Feets hurrying to nowhere,
Empty hearts still believe in forever.
Posted in tula | No Comments »
Souls bump against souls
in lonely sojourn.
Fright crosses, ego crushes
leaving the night holed, cold.
Life’s a crossroad -
Feets hurrying to nowhere,
Empty hearts still believe in forever.
Posted in tula | No Comments »
kung gabing dumarating ka
binubura mo ang aking sarili
wala kang tinitira,
wala naiiwang ako.
lagi mo akong dinadala
sa walang hanggan,
kung saan naglalaho
ang hangganan ng tao.
Posted in tula | 1 Comment »
Ngayo’y hinahagod ng ligalig ang Lhamo La-Tso
Hindi sinlinaw ng dati,
Hindi na sinlamig.
Tila natatakot nang magsadya ang mga pangitain
At alumpihit kung isisiwalat ang sagot na kinikipkip.
Kahit may tumatangis,
Kahit nagsasanib ang lungkot
Sa tubig.
Minsan nang nagtipon ang mga ulap
Sa ibabaw ng Lhasa.
Akala’y natagpuan na siya
Ngunit parang walang isinilang na pag-asa.
Posted in tula | No Comments »
And I hate this:
Kumain ng bacon mushroom melt
at frosty na hindi tayo magkatabi
kahit marami namang vacant seats.
Posted in tula | No Comments »
Habang ang karamiha’y abalang
nagtitipon ng saya sa kanilang sisidlan
ano’t sinasakmal ako ngayon
ng lungkot. Di lang isang
dipang kalungkutan ngunit
tila sinlawak ng lugar na ito
na di ko matiyak ang dulo’t
dulo. Paanong paaanurin sa
alon ang bigat ng loob
at matitiyak na hindi na muling
magbabalik pa sa pampang
ang hinanakit? Nais kong
tuluyang iwan kita rito.
Ipaampon sa mga lilim ng limot,
ipakubli sa bawat lupi ng
dahon ng mga punong malalabay
na sanay na ngang mag-aruga
ng pananambitan. O kung
maari nama’y ipagsama na lang
sa paglakbay ng yate at saka ibaon
sa mga lihim na lagusan ng nalulumbay
na Corregidor at bulukin din ng kasaysayan.
Dahil kung bibitbitin kita pag-uwi,
mamatay muli ang oras at hihinto ang paghinga –
ang lungkot pa naman
wala ngang kinikilalang diyos
kahit ilang ulit kang manikluhod
at manangis kaya nang taos.
03 Hulyo 2005
Caylabne Bay Resort
Ternate, Cavite
Posted in tula | No Comments »
Alam nating kailanman
hindi sila umasang
tayong dalawa ang darating.
Tayong dalawa –
ikaw na kasama ako,
ako na kasama ka.
Kung paanong nagkakaila ang bibig,
nasa sulok ng kanilang mga mata
ang nangingilid na tanong
na hindi mailaglag-laglag
sa napipi ring sahig.
Bakit hindi namin kayo kilala?
Posted in tula | No Comments »
Hindi mo alam ang binibigkas ng ina
habang kalong-kalong ang anak na umiiyak.
May nakasulat sa kanyang balisang palad.
Hindi mo mabasa ngunit parang may bumulong, tumiyak:
Awa! AWa! Awa!
Posted in tula | No Comments »
1. Landing
Ang litong eroplano
Walang piloto.
Saan kaya nag-landing?
2. Tabyo
Tangay-tangay ng agos
Ang butas na shorts.
Pag-uwi, tiyak, bugbog.
3. Villa Leonor
Lumangoy. ‘Wag lulutang
Maraming dikya!
Ang maniwala, taya!
4. Depensa
Ang ilog sa tag-araw
Hindi aapaw.
Baybayin mo ang Wawa.
5. Penitensya
Mga dugo’y umagas
sa Barrio Roxas -
Ay! May sala ang lahat.
Posted in tula | No Comments »
Hinilo-hilo
hinele-hele
ng bus itong ulo,
habang pasipol-sipol
ang drayber
sa pagmamaneho.
At sa kurbada’y
biglang nagpreno;
Naghalo-halo
naglabo-labo
ang ingay ng pasahero.
Nag-antanda ang katabi ko.
Buhay pa ba tayo?
Posted in tula | No Comments »
Dumating kang mataas na ang araw.
Wala ka kahapon nang may naganap.
Ang balita, higit pa sa kayang mabilang
ang bumulagta sa daan.
Sinalubong ka ng mga saksi:
Mabuti’t ngayon ka dumating
at payapa na ang lahat.
Huwag kang mag-alala,
naimis na ang kalat.
Tuyo na rin ang mga dugong
dumilig sa lupa.
Tumango ka lang
kahit alam mong hindi maililibing
ang kasaysayan.
At sa di kalayuan
may natanaw kang malaking krus
na parang lulutang-lutang.
Posted in tula | No Comments »