Kay Dyesebel
June 12, 2008 by kabilangbuhay
Tuwing nagkakapaa ang pag-ibig
nahahawi ang hapis ng tubig,
umaahon sa lupa
ang sari-kulay na langit,
nawawala ang lungkot
na sumisiksik sa kaliskis,
nasasagot ang mga tanong
na hindi matagpuan sa pagsisid.
Nagtatagpo nga ang dagat at lupa, Dyesebel
kung hindi man madalas, minsan, kahit saglit.
siraulo ka talaga! hahah! hayop ka talaga… napaligaya mo nanaman ako. kelan ka ba titigil sa pagpapaligaya. hahah! isa ka talagang baliw. pati sa pag-iyak ko napapatawa mo ko. dahil sobra kang baliw, sobrang luv din kita. lapit na birthday mo ah. mwah!
bakit ang galing mo! i luv this! friends tlg kami ni judith…pareho ng taste… parang ako e2 ah…ung tula hah! d si dyesebel!!! i will grab all ur books pag uwi ko