• Home
  • About

kabilang buhay

mga tala…mga tulang walang buhay

Feed on
Posts
comments

Libing

October 20, 2007 by kabilangbuhay

I

At natupad ang ibig.
Sa paghudyat ng ika-siyam na oras
sumuko ang kaluluwa: Tapos na!

II

Nagpista ang mga eksperto nang ilatag ang ebidensiya:
Lumapat nang mainam ang kasaysayan sa tela
Nang masuyong pahiran ng langis ang napagal na katawan -
Gumuhit ang mukha ng biktima
Nang silipin sa negatibo ang telang lino.
Malinaw ang marka ng balbas, ng mahabang buhok
Ang hugis ng ilong, ng bibig, ng mata, itong bawat kanto at kurba.

Mubusisi ang proseso:
Binilang ang mga bakas ng parusa na naniin sa hibla:
May dugong galing sa ulo dahil sa tinik na ipinutong.
Duguan ang kamay at paa sa mga pakong bumaon
May mga latay sa likod sa malupit na hagupit
Nagsugat ang balikat sa bigat na binuhat,
Pati kanang tadyang lumuha ng awa nang tinusok na sadya.

Ang resulta ng awtopsiya:
Nang minsang mauhaw ay pinainom ng sukang pampatulog lamang
At pampagaling naman ng sugat ang mga dahong itinapal.
Buhay ang bikitma nang balutin ng tela
Dahil ang dugo’y hindi aagos kung katawa’y patay na!
Bakit pinunasan lang ng langis at di hinugasan ang katawan
Gayong ganito ang banal na ritwal?

III

At ito ang pag-ibig –
Natubos ang sala ng daigdig
Sa hiwaga ng libing na kinasihan ng langit.

Posted in tula | No Comments



Comments are closed.

  • Archives

    • July 2008 (2)
    • June 2008 (12)
    • May 2008 (1)
    • April 2008 (16)
    • October 2007 (6)
    • July 2007 (1)
    • June 2007 (2)
    • May 2007 (4)
    • February 2007 (1)
    • September 2006 (8)
    • August 2006 (12)
    • April 2006 (2)
    • December 2005 (1)
    • November 2005 (1)
    • October 2005 (2)
    • July 2005 (2)
    • May 2005 (3)
    • April 2005 (8)
  • Categories

    • topak (1)
    • tula (78)
    • Uncategorized (5)
  • Pages

    • About
    • Meta:

      • Log in
      • Friendster
      • RSS
      • Comments RSS

    Theme: MistyLook by Sadish.