Ilang Dalit sa Salita
October 23, 2007 by kabilangbuhay
Kung diringgin ang Salita
Wala nang matang luluha
Makinig at maniwala
H’wag kukurap, mamamangha:
Ang tubig magiging alak
Sa tubig makalalakad
Ang bulag makadidilat
Maging patay magmumulat.
Kung susundin ang Salita
Ang sarili ay ihanda
Kung hamakin man ng kapwa
Ay h’wag nawang manghinawa.
Pagkat ang sabi: Magtiis!
H’wag sumuko kung may hapis
Langit laging nakatitig
Sasaklolo ang pag-ibig;
May pangako ang Salita
Sa ibinukod na bansa –
Payapang buhay sa lupa
Na tigib ng pagpapala.
[waa!!! ang hirap talagang mag-tugma’t-sukat!!! tama na! tama na! lol!]