Haiku(nwari)
October 28, 2007 by kabilangbuhay
Abaya
Itim na tabing.
Bakit ba nagkukubli
ang ‘yong panimdim?
Arabia
Ang iyong lawak
hindi nga paraiso
kahit sa uwak.
Al-Rahmaniyah
Nakasalubong:
Si kabayan nangitim
sa gintong ngipin.
Kabsa
Nang ihatag na
Ang butil na biyaya,
Wala ang pusa.
Kamelyo
Likod nahukot
Sa naipong himutok.
Ay, abang lingkod!
Khobar
At mahinahong
Namaalam ang araw.
Gabi’y kay bagal.
Sadiki
Lumangoy-langoy
Ang nilangong kuwento.
Ikaw’y pulutan.
Shawarma
Balot na banal
Sa katawan na mahal.
May’rong didighay.