Pamamaalam
May 27, 2007 by kabilangbuhay
Bumibilis ang tibok ng pag-aalala
Ngayong nagsasalikop itong mga agam-agam.
Ilan sa sampung pangako ba ang bumabalik
Pagkatapos na mamaalam?
Nakaiinip maghintay matupad isa man lang,
Nakaiinis maghintay sa walang katuparan.