pagbabalik
May 28, 2007 by kabilangbuhay
“I began by counting the days, then the months.
I don’t count on anything anymore except the hope that you will return…”
Ada, Cold Mountain, 2003
bagaman sumusuko ang pag-asa
sa pagbibilang sa nalalabing saglit at sandali
laging may kaluskos ang pangitain
ng iyong pagbabalik –
pumapalatak ang butiki sa kisame
bumabagsak ang kubyertos
sa nilalamig na sahig;
ngunit wala namang kumakatok
walang nagbubukas ng naiinip na pinto
kahit ilang ulit na tayong nagtagpo
sa panaginip na pabalik-balik.