Bilog
May 15, 2007 by kabilangbuhay
Umiikot ang mga bagay
Kasabay ng mundo, nahihilo.
Umiikot pabilog sa loob ng bilog
Ang lahat nitong nasa loob at sulok –
Nagkakahugis, nagkakakulay,
Pumipintig, nagkakabuhay.
At sasabay sa agos
Iikot-ikot hanggang sumuko
Sa lula at pagod.
Tapos liligid naman itong mga uod
Nakangising susugod
Dahil tiya’y tiyak bubundat,
Bibilog sa pagkabusog.