pag-alis
September 5, 2006 by kabilangbuhay
isasara natin itong pinto
lilisaning hubad na hubad ang silid
na kumanlong sa ating mga hikbi.
wala tayong iiwang bakas ng saya
sa mga pasamano’t barandilya
hindi tayo mag-iiwan
ng patak ng galit sa sahig
o mantsa man ng lungkot sa mga dingding.
isasara natin itong pinto
lilisanin ang hubad na hubad na silid
aalis tayong walang dalang damit
at lalabas na walang pagsisising bitbit.
Nothing has changed my friend…iba ka pa rin…super galing!!..just continue writing!!! Lord Bless
ang ganda ng mga tula… nakaka touch sa heart…