Nang lumabas ako isang umaga
September 24, 2006 by kabilangbuhay
Ang lawak na
ng mundo
at hindi na
mahagilap itong isa’t-
isa.
Hindi tulad dati’y
tayong dalawa
ang lahat-lahat nitong nakikita: ikaw at ako
itong mundo – –
ang ibabaw
ang ilalim
ang nasa pagitan nito;
ang taas,
ang hangganan ng ulap
ay tanging tayo.