Isang basong senti ang mango shake
September 19, 2006 by kabilangbuhay
lalo’t malamig at tama ang timpla
ng asim-tamis na dumadausdos
sa nanabang na dila.
Yayakap sa lalamunan
itong pagsesentimental ng oras
humihigpit ang pagsakal:
Sino na kayang katabi niya
sa pandalawahang mesa
at umiinom ng mango shake
kapag Sabado sa Glorietta?
Inabot sa iyo ang iyong order.
This is your mango shake, Sir.
Bigla kang nainis sa waiter.