kung minsan walang hanggan
August 21, 2006 by kabilangbuhay
kapag hinipan mo na ang kandila
at sumiping sa aking pagtulog,
pinapatay mo rin itong aking mga gunita:
hahanapin ng iyong labi itong labi
at mag-iiwan ng pangako ang iyong hininga;
hahagurin mo ng init ang puyo, ang bawat sulok ng balat,
babalatang maalab ang katawang nagluluksa.
kahit sa dilim ng silid, naaaninag ko ang iyong mata
sinasalunga ang aking tingin
hinihigop itong kaluluwa.
inaanod tayo ng gabi na parang walang hangga.
Hi, so who’s your muse??? Still in awe, although some words are still too deep. I still enjoy though. Keep those words pouring out of you, it might just make someone else melt for you