Huling salubong
August 28, 2006 by kabilangbuhay
Namamalas ang pag-asang sumisikat
sa mga pulo nitong Silangan
at natutupad ang iwinika:
gumagapang sa lupa
gumuguhit sa panginorin
humahangos kasama ng hangin
ang lahat nang itinakda.
Inihahanda itong ikatlong bahaging
may pangakong walang hanggang biyaya.