sandstorm
April 25, 2006 by kabilangbuhay
gusto kong madurog ngayon
at mapitpit nang pinung-pino.
bistaying mahusay ng hangin at init
sa mga dibdib ng disyerto
at kapag lubos na ang pagkadalisay
agad ilakip sa mga sumpong na ihip:
pupuwingin ko ang bawat matang
nagtaksil ang titig.
ayan napala mo, punta ka kasi middle east. sarap magtampisaw sa ilog dito nung mahal na araw tol. ang lamig ng tubig. tapos naghubo’t-hubad ako nang di natatakot na may arabong magti-trip sa aking puwet. hehe. oy online na haraya project ko. baka gusto mo magpasa ng sampung tula para i-deconstruct ng haraya.