kaming naghihintay sa iyo
October 10, 2005 by kabilangbuhay
lilinlangin namin ang sarili
papayapain ang guni-guni,
pakakalmahin ang pusong
kanina pa lumulundag sa kaba.
pilit naming iwawaksi sa isip
ang mga bumabalot na takot
na maaaring pumigil sa iyong mga paa
na marating ang tarangkahang
nananabik na ring masilayan
ang muli mong pagbabalik.
pupunuin namin ng pag-asa
ang bawat ingit ng inip at pangamba
dahil hindi maglalapat ang likod
sa higaang buong puso tayong pinagkakasya
wala ngang mahimbing na tulog
hanggang wala ka.
i like this.. really do.. “wala ngang mahimbing na tulog hanggang wala ka”
hi rowan,
nice blogs, i really appreciate it, this is my first time to read a poem ive seen a lot of them in the books but i don’t read it i find it so boring but this one, made me realize that its very interesting to read a poem from the start to end. Thanks! well done…