Minsan
July 29, 2005 by kabilangbuhay
sinisipat lang natin ang uwang
sa hindi lumapat-lapat na pintuan.
hinahayaang maglabas-masok
ang magkahalong liwanag at hangin
sa naglalarong dilim ng silid.
minsan kinapananabikan natin
ang sariling maglambitin
sa mga agiw ng nakaraan
na walang inaalaalang kasalukuyan.