isang gabing walang pangalan
May 31, 2005 by kabilangbuhay
hindi mo alam
inibig kita ngayong gabi
habang nagdedeliryo ang uniberso
at ang mga elemento ng lungkot at pagkakaiba
ay hindi rin makapagtitiyak sa kung anong nadarama.
inibig nga kita
mula puyo hanggang paa,
sa bawat butil ng iyong pawis sa likod,
sa bawat kislap sa iyong mga mata.
inibig kita ngayong gabi
kahit alam kong kapwa tayo gigising
na wala na ang isa’t-isa
Sad to say goodbye? I feel like crying! (T_T) Lah! That’s a crying face! LOLZ!
ngayon ko lang nbsa to.. ganda rin..
iniibig kita ngayong gabi..
kasabay ng alon ng mga alaalang nililipad ng mga taong lumipas
na hindi ikaw ang kasama..
iniibig kita ngayong gabi..
at hanggang bukas,
at hanggang pumikit na ang mugto kong mga mata
sa pag asang bubukas muli ang
pinto
na minsang napinid
at nakalimutan.