Ikaw
May 1, 2005 by kabilangbuhay
May bumubulong sa akin
na huwag kong kainipan
ang paghihintay sa iyo
kahit humahangos man
ang lahat sa kanilang patutunguhan.
Huwag hatakin ang kamay ng orasan
o piliting pagsipingin ang araw
at buwan upang ipagtali lamang
ang dulo’t dulo ng mga pising naiwan.
Dahil ikaw na dararing
na walang kaluskos
ay wari’y hanging dadampi sa balat,
hahagod sa pinakaloob,
dadaloy…dadaloy
at tutubos sa kaluluwa kong
unti-unting nauupos
Wow. Such a poet. Your sigs in the email marks you as great lah! Keep it up hehe. Inspired? So who’s this “Ikaw?” Hehe.
galeng galeng talaga…
nakaka-in love ka sir rowan.
hay, where did you dig it? di ko maaruk, nalulunod ako sa lalim, pang geño lng.kanino kb nagmana?
hay….sino ba ang “ikaw” sa buhay mo at ganyan ang mga tula mo??? superb ka talaga!!!! isa ka ngang henyo….maging masaya sa bawat sandaling narito ka sa lupang ni minsan ay hindi mo piniling mapunta…ngunit sinamantala ang pananatili at nag-enjoy naman sa bandang huli…..wala lang……