paghilom
April 29, 2005 by kabilangbuhay
Nagsusumbong ang baraha
kapag binalasa’t
inihatag sa mesa:
May pilat ang nakaraan,
pilas-pilas na pahinang
tila pinagtampuhan.
Ganito raw ang gamot
sa balisang kinikipkip,
sa di mapakaling lungkot
sa sumisidhing kirot -
Isara ang kahapon.
Gumulong-gulong
kahit laban sa daloy.
At madarama
kahit ng kaluluwa
ang sariling paghilom.
[03 Abril 2005 | Makati City]