pagbubuklod
April 29, 2005 by kabilangbuhay
at nagtagpo tayo
sa mga patlang,
sa mga pagitan
ng pag-asam sa
pagmamahal;
at saka doon tayo
nagpasimulang
paglapitin
ang mga pusong
pupuno sa puwang;
at magsasanib nga
ang dugo sa dugo,
maglalapat ang
laman sa laman
kapag itinali na
ang mga pusong
sa pag-ibig uhaw,
hibang.