Nai Cha
April 22, 2005 by kabilangbuhay
Ganito magsama
Ang mga alaala -
Sa buo-buong yelo
Hahalik ang gatas
Sa nanlalaban na tsa;
Lalamigin ang baso
Ng naungkat na tampo
Magpapawis ng malagkit
At matamis na inis
03 Marso 2005 Chowking, Las PiƱas City