lung center
April 19, 2005 by kabilangbuhay
ito-
ito ang pulungan
ng usok
na hindi maibuga
sa mga sulok
ng giniginaw
na palapag.
ang tagpuan
ng sabik
ng kaba
ng inip
ng lungkot
ng malas
ng inis.
espasyong
dumirinig
sa alingasngas
sa bungisngis
sa tamis ng tawa’t
tagumpay.
saksing kumukupkop
sa mga pagbulong
ng inindang
sakit at pait
na dulot ng
pamamanginoon.
2 agosto 2004
rcbc plaza, makati city

Na-miss ko tuloy ang lung center