Feed on
Posts
comments

Lipat-bahay

Dito mo na ako madaratnang madalas.

Transient Thoughts

Kita-kits.

Bacolod

Nang mga nakaraang araw lang
para tayong mga monghe sa Balay Kalinungan.
Kapag tumunog ang kampanilya
maglalabasan tayo sa ating mga silid
dahil magsisimula na ang mga ritwal.
Nagmamadali man sa pagbaba sa hagdan
hindi nalilimutan ang magbilang:
oro, plata, mata; oro, plata, mata.
Halos isang linggo rin tayong kumakain ng talinghaga,
umiinom ng kataga at kunwa’y natitiis ang bawat kirot
ng hagupit na iniiwan ng mga inanak na salita.
Kaya naman nang minsan tayong makatakas
sinamantala natin ang oras.
Pinatuloy tayo ng mga haciendero ng Silay sa kanilang mga bahay
at pagkatapos nag-merienda ng guapple pie sa El Ideal.
 

Kish

kung hindi dahil sa kanya
hindi mo naman iisiping magpakalayo.
gaano ba kalayo ang malayo?
saan ang malayong hindi mo siya matatanaw,
na hindi mo maamoy ang kanyang pabango,
ang amoy ng kanyang balat, ng kanyang hininga.

mag-iilang gabi ka na rito.
pero gaya nang dati,naghihilahan
pa rin ang mga alaala at pangamba:
iniisip mo kung bakit sa huli’y hindi siya naniwala
na hindi naman kayo tatakas
kung hindi’y magkasamang lalaya.

Amnesia

Alam kong darating ang oras na itatanong mo sa akin
kung bakit ka naririto. Ilang ulit na rin akong dinalaw ng ganyang mga tagpo
hindi lang kapag pikit, kahit mulat: Habang pinakikintab ang itim na sapatos,
tuwing nakaharap sa salamin at inaayos ang kurbata,
kapag hinahalo ko sa gigil ang asukal sa kapeng mainit. Nag-iinit.
Alumpihit man ako sa pagsagot sa nagsasanga-
sanga mong mga tanong, alam kong napaniniwala kita
sa aking tugon. Ikaw ay ako kaya ka naririto.
Ikaw na walang pangalan. Akong ayaw pangalanan.
Paano kaya kung dumating ang pagkakataong mag-uusap na tayo
nang mukha sa mukha, salita sa salita, tanong sa tanong?
Masasabi ko pa rin kaya ang totoo kung bakit ka naririto?
Na walang noon,walang ikaw o ako, walang dating pangalan
sa mga salansanan ng nakaraan.

Babay, Daboy!

Kung sana’y ganoon kadaling sabihin
ang paglisan- trabaho lang at walang personalan;
hindi na siguro mamimighati si Lorna, o iiyak kahit si Alma.
Ngunit wala nang bawian kahit sakit ang iiiwan -
pagkat may mga paglayang tinatangisan.

Kay Dyesebel

Tuwing nagkakapaa ang pag-ibig
nahahawi ang hapis ng tubig,
umaahon sa lupa
ang sari-kulay na langit,
nawawala ang lungkot
na sumisiksik sa kaliskis,
nasasagot ang mga tanong
na hindi matagpuan sa pagsisid.
Nagtatagpo nga ang dagat at lupa, Dyesebel
kung hindi man madalas, minsan, kahit saglit.

Huwag ka sanang mainip,
Mainis sa inip ng paghihintay;
Mahal, hindi iigsi ang araw
Hangga’t binibilang.

From north of nowhere,
to south of somewhere
something pulled you

closer together

here: where noodles doodle
in fashion for passion
on something sentimentally oriental, 
and the serving of not-so-warm soup
is like an amusing relief
navigating
cascading through
                   your dry
                                    throat,
when the inviting drizzle outside 
would love to hug
and soak your dreams
amid idea of Monday melancholies.

For a moment, you thought
it might be Newton working
and his law enfolding
yourselves, gathering your souls
toward the center (or corner, perhaps)
of this place they (always) claimed theirs -
earth.

But wait, no.
What’s with the pull,
the poles?
That elemental force?

Your failing iris scanned thoroughly every beaming
click, trick of that sleek camera –
stealing moments of joy and streams of poesy, pose and poise.
Then you realized, when great hands move,
theories demagnetize:
same waves converge as poles attract -
for a celebration proclaiming His true, unselfish love.

29 June 2006
Makati City

Rendezvous

no stars congregate
in the sky
when we trip the night
the wind chills me
as i cuddle the clock;
i hear you whisper:
you are mine tonight.

you rape the hours
with your lullabies
as i moan helpless
against your love.

greedy are your hands
moving like a stealthy thief
grasping away my sanity
with every luscious contact.

your breath a silken sheet
venturing every sensation
caressing me like an infant
with each touch of raw gentleness.

i shiver in your stinking
sweat that bathes
my innocence,
camouflages my whole.

i resist every inch of thorn
thrusting me within
but your eyes blind to empathize
my weeping blood.

and you fill me
like a rich elixir
soothing away my melancholy,
relieving me of the longings.

though i cannot tolerate anymore
i whimper in ecstasy,
of the passion
that
are
your
eyes.

untitled

trace
the heaven’s breadth
and drift

drift
along your magic spell
to find

find
destiny in between satellites
of dust

dust
and gas, and lust
to meet

meet
you somewhere along
the lines

lines
of my palm while
meteors collide

collide
with stars overcrowding
in the sky

sky
burning, freezing;
you didn’t come.

Older Posts »